Takot ako…

Kinatatakutan ko ang araw na ito. Ito yung araw na pinakainiiwasan ko. Ilang beses kong pinigilan. Iniwasan. Pero hindi ko alam, tuluyan na akong nahulog sa bitag. Hindi ko alam kung paano makaahon. Hindi ko din alam kung sasaluhin mo ako sa aking pagkahulog. Sasaluhin mo nga ba ako o tuluyang ilulugmok? Wala naman kasing kasiguraduhan. Takot akong aminin. Takot akong umamin. Hindi ko alam ang gagawin. 

Gusto kong tumakbo palayo. Palayo sa’yo. Umiwas. Sapagkat takot akong ikaw ang unang umiwas. Ikaw ang unang lumayo. Dahil hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Bakit nga ba? Bakit nga ba pinahintulutan kong mahulog sa bitag? Ang gulo ng isip ko. Magulo ang puso ko. Hindi ko masabi. Hindi ko maamin. Natatakot ako. Takot akong baka pagsinabi ko sa’yo ang totoo, lalayo ka sa akin. Sapagkat hindi pwede. Kailangang itanggi ang sarili. Natatakot ako. 

Pero wala akong magawa. Naguguluhan ako kung ipagpapatuloy ba para lalo akong mahulog o lalayo kahit masakit para isagip ang sarili sa tuluyang pagkalugmok? Ang hirap. Naguguluhan ako kung sinagip mo ba talaga ako sa kapaitan ng aking nakaraan, hinilom ang sugat ng puso kong sugatan o guguhit ka ng panibagong sugat at iuukit ang iyong pangalan? Ayokong marinig ang sagot. Natatakot ako. Natatakot akong kalimutan ka dahil di ko alam saan mag-uumpisa. Ayokong umamin. Takot akonng umamin. Gusto kong sumagiw ng “sagipin mo ako” pero mas pipiliin kong tumahimik dahil ako ang sasagip sayo. 

Ang hirap. Tatahimik ng lang. Sapagkat natatakot. Takot umamin. Takot malugmok pero tuluyang nahulog. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s